Sa pagsapit ng dapithapon
Ikaw magsasaka ay aahon
Mula sa giyera maghapon
Sa lupang iyong inampon
Higit pa sa araro at kalabaw
Isang damdaming naghihimagsik at naguumapaw
Bakit ikaw o magsasaka
Pinagnakawan nila ng pag-asa
Sa likod ng iyong bawat pagyukod
Sa putikang lupa na abot tuhod
Ang iyong mag- anak ay nakatanaw
Umaasang mapawi mo ang kanilang uhaw
Nang si bunso ay gininaw at nagkasakit
Ikaw noon ay gipit na gipit
At dahil sa tindi ng pangangailangan
Kahit patalim nagawa mong kapitan
Hatinggabi ng Pebrero
Sinsabing buwan ng pagbabago
Ikaw at ang iyong mga katoto
Isang kilusan inyong binuo
Humingi kayo ng reporma
Sa isang maharlikhang pamilya
Ang iginanti nila sa inyo ay bala
Ngayon magsasaka, isa ka na lamang alaala
Kay daming mga pangarap ang naglaho
Kinabukasan ni bunso ay gumuho
At ang lupang iyong binungkal at pinagpaguran
Tatawagin mo na siya ngayong libingan
At dahil sa katarungan ay salat
Heto nagayon si bunso, nagsusulat
Isang tulang alay sa libu-libong magsasaka
Na nakikibaka para sa katarungan at reporma
Wednesday, October 24, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment