pagpapaalam ka ba sa sariling bayan kung alam mong hindi mo siya kayang iwan?
salamat na lamang ba ang iyng isasagot sa maga masasayang sandali na inyong pinagsaluhan?
iiyak ka ba kung malaman mong binenta ang nanay mo?
magagalit ka ba kung minolestya ang magulang mo?
nangyari na ang lahat, natakot ka lang pero hindi kumilos.
ikaw na ang susunod. bahala na lang ba ang muling isasagot mo?
mahal ka ng bayan. mahal mo ba siya? lumahok at makibaka!
sulat ka din kaibigan at ng makahikayat pa tayo.
salamat ,
zayb
Wednesday, December 12, 2007
Monday, December 10, 2007
Wednesday, October 24, 2007
MAGSASAKA gawa ni zayb
Sa pagsapit ng dapithapon
Ikaw magsasaka ay aahon
Mula sa giyera maghapon
Sa lupang iyong inampon
Higit pa sa araro at kalabaw
Isang damdaming naghihimagsik at naguumapaw
Bakit ikaw o magsasaka
Pinagnakawan nila ng pag-asa
Sa likod ng iyong bawat pagyukod
Sa putikang lupa na abot tuhod
Ang iyong mag- anak ay nakatanaw
Umaasang mapawi mo ang kanilang uhaw
Nang si bunso ay gininaw at nagkasakit
Ikaw noon ay gipit na gipit
At dahil sa tindi ng pangangailangan
Kahit patalim nagawa mong kapitan
Hatinggabi ng Pebrero
Sinsabing buwan ng pagbabago
Ikaw at ang iyong mga katoto
Isang kilusan inyong binuo
Humingi kayo ng reporma
Sa isang maharlikhang pamilya
Ang iginanti nila sa inyo ay bala
Ngayon magsasaka, isa ka na lamang alaala
Kay daming mga pangarap ang naglaho
Kinabukasan ni bunso ay gumuho
At ang lupang iyong binungkal at pinagpaguran
Tatawagin mo na siya ngayong libingan
At dahil sa katarungan ay salat
Heto nagayon si bunso, nagsusulat
Isang tulang alay sa libu-libong magsasaka
Na nakikibaka para sa katarungan at reporma

INDAY by zayb
Inday is a woman i have met sometime in my life
Maybe in my dreams or when i walk at night
She is a woman of splendid dreams
A woman of untattered principle
A visa made a impact in her life
Though a tourist, she remained "tnt"
Inday set foot abroad
At home, her kids were abandoned
Inday was full of passion
In the art of cleaning, there is full attention
In caregiving, there is supreme affection
Inday Inday, you have such devotion
Back at home
Your son engaged to drugs
Your daughter went with a man
And you are losing your husband
Inday when you learned these things
You started doubting about your life
Inday, you felt an ardent desire
To go home and fix their lives
At day you sober when you clean the toilet
At night you mourn beneath the windows
You've made your mind
Inday, you are going home
A week before Christmas
Your master went home drunk
You tried to help him out
But he hit you on the face
Inday tried to retaliate
But it was to late
A dagger was deep in her chest
She was violently murdered
Now Inday you are really going home
Cold and stiff, wounded and killed
Inday you are an unsung hero
In this society you played a starring role
Inday thanks for the times we spent together
Thanks for taking good care me, like a mother
And sorry for the murder
I swear, I will look for my father.

isang likha mula sa isang kaibigan
Pangarap ni Pepeng Paslit
Malayo na ang aking narating
Ngunit di ko malaman ang dapat kong gawin
Saan nga ba ang dapat kong kalagyan
Naghahanap pa rin ng kahulugan
Sa paglalayag na ito
‘Di malaman kung saan ang hangin patungo
Nag-aabang ng kahihinatnan
Wala ba talaga itong kabuluhan
Sana’y tuluyan ng magwakas ang karimlan
Dahil matagal na akong naghihintay ng daan
Sa kakahawak ng lubid na ito
Lagi na lang ako ang may sakripisyo
Sunod sa kahihinatnan ng mga buwang
Mga taong may pinag-aralan kuno
Ngunit mga desisyo’y napano?
Ni katiting na matuwid ay naglaho
Ninais ko ng mabitag sa kabaliwan Subalit ayoko na pawang sunud sunuran lamang
Kaya ko naman magtaas noo
Bakit ako ngayon ang nakayuko?
Dapat na lamang bang hayaan ang iba
At sila’y maghariharian at mang-alipusta?
Dapat na ata akong tumindig at sabihin
Ako’y lalaban at prinsipyo’y ididiin
Para sa aking mamamayan
At sa adhikain ko para sa bayan
Ngunit wala akong sapat na salapi
Para maakit ang mga tao na makinig
Dahil sa higpit ng sinturon
Tanging sa kalansing ng barya ang tugon
Nasaan na ang krusadang si Gat ang simula?
Sadya bang nilamon na ng sistema?
Mga buwitreng tinukoy ni Kiko?
Sino nga ba ang may sala dito?
Sana’y maibsan na ang hapdi
Ng sugat ng kahapon at sugat ng mga sawi
Mga sugat na wala ng ihihilom pa
Kundi tanging bulak ng pagkakaisa
Sa diwa, adhika at pagkilos
Ang pinakamabisang laban sa unos
Unos na higit pa sa dekada ang tagal
Naghihingalo na sa sobrang pagal
IMULAT ANG MGA MATA,
HINDI MO BA NAKIKITA,
ANG NASA HARAPAN MO NA?
SADYA BANG BULAG NA NGA?
SA HUBAD NA KATOTOHANANG
NAKALATAG SA IYONG MUKHA!!!
Bawat isang butil ng buhangin
May bahaging dapat tupdin,
Bandilang tangan ay ating isugod,
Sindihan ang mitsa na magsilbing pusod,
Init laban sa lamig ng daluyong,
Tayo ang gagawa ng agos ng ilog,
Kahit pa lakaran ang basura’t bubog
Iisang boses ang milyong bisig,
Hindi mapupunit yaring tubig,
Gagalaw ang pader na bigkis ng isang adhika,
Pangarap sanang nabuo sa aking dalita,
Matupad kaya ng mga pag-asa ng kasalakuyan?
Gisingin ang mga leprosong tangan ay kasinungalingan,
Hindi mo ba naririnig ang hilagpos ni Juan?
Ubos na ang mga kawali para hiraman pa ng tenga,
Panahon na para hilumin ang galos ng bayang aba,
Mistulang batong sasagupa sa alon ng tubig ,
Hindi pagagapi sa matatag na tindig,
SISIKAT DIN ANG HARING ARAW MULA SA PAGLUBOG,
MULING AAHON ANG BANDILANG NALUNOD,
LILIPAD ANG AGILA NG TUNAY NA KALAYAAN,
SASAHIMPAPAWID ANG PELIKULA NG KATOTOHANAN,
MAGIGING BUO LAMANG SA PAGGANAP NG KABATAAN,
PANGARAP NA ISINULAT HINDI LANG SA PAGTULOG ANG KAGANAPAN.
-gawa ni jethro

Friday, September 7, 2007
dahon ng damo.palay.lupa.mandirigma.
Hindi ko lubos maisip na mamahalin ko sila. Na minsan pala sa buhay ko, pipiliin kong maging tulad nila. Marahil matatawa ka, pero oo, nais kong maging magsasaka. Tinitingala ko sila!
Pero hindi ito puro tungkol sa pangarap kong maging magsasaka. Tungkol ito sa pangarap nila. Sa pangarap na makaalis sa pagkakatali nila sa lupang sinasaka na hindi naman sa kanila. At sa pangarap na kilalanin na ang mga karapatan nila. Tama ba ako mga Cojuangco? Wala akong gustong patamaan, ang tanging nais ko ay buksan ang iyong mga mata. Palibhasa'y singkit kayo, hindi niyo nakikita ang paghihirap ng kapwa ko. Kelan ba babagsak yun? Bata pa ako isinisigaw no yun sa daan eh. 'Yun bang "IMPERYALISMO IBAGSAK". Ewan ko ba, sana man lang bago ako mamatay, bumagsak na yun.
Sa walang sawang pagbungkal ng lupa, sa pagtatanong tungkol sa tunay na kalagayan nila, at sa panunuod ng mga makabuluhang dokyumentaryo, isa lang ang pumasok sa isip ko. Na "kaming" mga magsasaka ang mga pinaka binabalewalang sektor ng lipunan. Dahil ba hindi kami tulad ni Kris Aquino, o ng iba pang artista na napapagand ni Belo? Dahil sa maputik naming anyo, sa paang tila ba pinagdaanan na ng panahon, at sa mga kamay na lugmok sa katatrabaho?
Marahil hindi ka nila kilala, pero ayon nga sa mga kapatid nating PULANG MANDIRIGMA sa Gitnang Luzon, ORTELANO: BAYANING ERA BALU.
******************
"Si Kasamang Nards ay namatay na isang rebolusyonaryong martir. Higit na ninais niyang harapin ang mga pasistang tropa kaysa sumuko sa mga ito. Buong giting niyang hinarap ang mga angil ng mga punlong ibinuga ng mga baril ng mga pasista sa kabila ng gipit na kalagayang kinalagyan niya sa mga oras na iyon. Minatamis pa niya ang mamatay nang lumalaban. Sa katunaya'y nagsikap pa siyang lansihin ang kaaway hanggang sa huling hibla ng kanyang buhay upang di na makakuha pa ang mga ito ng dagdag na impormasyon laban sa Partido, rebolusyon at sambayanan. Hanggang sa huling hibla ng kanyang hininga ay ipinamalas niya ang kanyang rebolusyonaryong kagitingan at katapangan. "
"Si Ka Nards ay namatay upang mabuhay nang walang hanggan. Nakitil man ang kanyang hininga, at maagnas man ang kanyang katawan, mananatiling buhay at gabay ang mga rebolusyonaryong ambag at aral na iniwan niya sa atin hanggang sa tagumpay!
Mabuhay ang masang Pilipino! Ibaling ang pamimighati sa rebolusyonaryong katapangan!"
Geronimo Dulongtimog [Wilfredo Gacosta], Mga Tula ng Isang Pulang Mandirigma. Lunsod Quezon, Disyembre 1976. Mimyo, wp

Tuesday, August 21, 2007
unang hakbang
sa lahat ng magbabasa ng mga kalokohang ito. sa lahat ng maniniwala sa katotohanang aking isisiwalat. sa lahat ng mapapadaan sa web na ito. masaputan sana kayo ni ZAYB. wala ng iba pang paraan. ubos na ang tinta ng aking lumang pluma. sugatan na aking mga bisig sa pakikipagbuno sa mga pulis sa kalye. basa na lahat ng aking damit dulot ng bumberong hindi nawawala kahit wala namang sunog. ngunit may APOY. may APOY sa aming mga PUSO. marahil meron din sa iyo. iyong tignan aking kaibigan. at ng iyong malaman.
* * * * * * * * * * *
Nagsimula ang lahat sa panonood ng BAYANI ni Caridad Sanchez. Mula kay Lapu-Lapu hanggang kay Sajid Bulig. Sa kasamaang palad, hindi ko napanuod ang episode ni Jose Rizal. Marahil may dahilan. Oo meron nga pala. Naglalaro ako ng postcard nun, mas kilala sa tawag na text. pero hindi lang basta laro yun, sugal yun eh. Pagalingan o paswertihan. Natural magaling ako, PILIPINO ako eh. Kaya lang hindi ako swerte. Natalo ako. Hindi swerte ang Pilipino. Magaling siya ngunit madalas matalo. Swertihan lang naman talaga ang buhay eh. Maniwala ka...
SWERTE ako sa iyo dahil nabasa mo ito! Salamat, ikaw sana ay mainis, mabwisit, magalit, matawa, maiyak, o kahit ano pa. Basta ang mahalaga, NAGALAW kita at yang damdamin mong unti-unit ng lumalayo sa iyo. Damdaming MAKABAYAN. Oo iyan ang pakay ko. Gusto ko sanang ibahagi mo ang kaunti mong kakayahan gaya sa bayan. Gaya ng ginagawa ko. Ikaw ng mag-isip kung sa anong paraan, basta ang mahalaga, may nagawa ka. Salamat, nawa'y pagtayo mo sa harapan ng computer, simulan mo na. Simulan mo sa sarili mo. Salamat! Ayon nga kay Gandhi, "Be the CHANGE you wish to see in the WORLD."

Subscribe to:
Posts (Atom)