Tuesday, August 21, 2007

unang hakbang

sa lahat ng magbabasa ng mga kalokohang ito. sa lahat ng maniniwala sa katotohanang aking isisiwalat. sa lahat ng mapapadaan sa web na ito. masaputan sana kayo ni ZAYB. wala ng iba pang paraan. ubos na ang tinta ng aking lumang pluma. sugatan na aking mga bisig sa pakikipagbuno sa mga pulis sa kalye. basa na lahat ng aking damit dulot ng bumberong hindi nawawala kahit wala namang sunog. ngunit may APOY. may APOY sa aming mga PUSO. marahil meron din sa iyo. iyong tignan aking kaibigan. at ng iyong malaman.

* * * * * * * * * * *
Nagsimula ang lahat sa panonood ng BAYANI ni Caridad Sanchez. Mula kay Lapu-Lapu hanggang kay Sajid Bulig. Sa kasamaang palad, hindi ko napanuod ang episode ni Jose Rizal. Marahil may dahilan. Oo meron nga pala. Naglalaro ako ng postcard nun, mas kilala sa tawag na text. pero hindi lang basta laro yun, sugal yun eh. Pagalingan o paswertihan. Natural magaling ako, PILIPINO ako eh. Kaya lang hindi ako swerte. Natalo ako. Hindi swerte ang Pilipino. Magaling siya ngunit madalas matalo. Swertihan lang naman talaga ang buhay eh. Maniwala ka...

SWERTE ako sa iyo dahil nabasa mo ito! Salamat, ikaw sana ay mainis, mabwisit, magalit, matawa, maiyak, o kahit ano pa. Basta ang mahalaga, NAGALAW kita at yang damdamin mong unti-unit ng lumalayo sa iyo. Damdaming MAKABAYAN. Oo iyan ang pakay ko. Gusto ko sanang ibahagi mo ang kaunti mong kakayahan gaya sa bayan. Gaya ng ginagawa ko. Ikaw ng mag-isip kung sa anong paraan, basta ang mahalaga, may nagawa ka. Salamat, nawa'y pagtayo mo sa harapan ng computer, simulan mo na. Simulan mo sa sarili mo. Salamat! Ayon nga kay Gandhi, "Be the CHANGE you wish to see in the WORLD."