Hindi ko lubos maisip na mamahalin ko sila. Na minsan pala sa buhay ko, pipiliin kong maging tulad nila. Marahil matatawa ka, pero oo, nais kong maging magsasaka. Tinitingala ko sila!
Pero hindi ito puro tungkol sa pangarap kong maging magsasaka. Tungkol ito sa pangarap nila. Sa pangarap na makaalis sa pagkakatali nila sa lupang sinasaka na hindi naman sa kanila. At sa pangarap na kilalanin na ang mga karapatan nila. Tama ba ako mga Cojuangco? Wala akong gustong patamaan, ang tanging nais ko ay buksan ang iyong mga mata. Palibhasa'y singkit kayo, hindi niyo nakikita ang paghihirap ng kapwa ko. Kelan ba babagsak yun? Bata pa ako isinisigaw no yun sa daan eh. 'Yun bang "IMPERYALISMO IBAGSAK". Ewan ko ba, sana man lang bago ako mamatay, bumagsak na yun.
Sa walang sawang pagbungkal ng lupa, sa pagtatanong tungkol sa tunay na kalagayan nila, at sa panunuod ng mga makabuluhang dokyumentaryo, isa lang ang pumasok sa isip ko. Na "kaming" mga magsasaka ang mga pinaka binabalewalang sektor ng lipunan. Dahil ba hindi kami tulad ni Kris Aquino, o ng iba pang artista na napapagand ni Belo? Dahil sa maputik naming anyo, sa paang tila ba pinagdaanan na ng panahon, at sa mga kamay na lugmok sa katatrabaho?
Marahil hindi ka nila kilala, pero ayon nga sa mga kapatid nating PULANG MANDIRIGMA sa Gitnang Luzon, ORTELANO: BAYANING ERA BALU.
******************
"Si Kasamang Nards ay namatay na isang rebolusyonaryong martir. Higit na ninais niyang harapin ang mga pasistang tropa kaysa sumuko sa mga ito. Buong giting niyang hinarap ang mga angil ng mga punlong ibinuga ng mga baril ng mga pasista sa kabila ng gipit na kalagayang kinalagyan niya sa mga oras na iyon. Minatamis pa niya ang mamatay nang lumalaban. Sa katunaya'y nagsikap pa siyang lansihin ang kaaway hanggang sa huling hibla ng kanyang buhay upang di na makakuha pa ang mga ito ng dagdag na impormasyon laban sa Partido, rebolusyon at sambayanan. Hanggang sa huling hibla ng kanyang hininga ay ipinamalas niya ang kanyang rebolusyonaryong kagitingan at katapangan. "
"Si Ka Nards ay namatay upang mabuhay nang walang hanggan. Nakitil man ang kanyang hininga, at maagnas man ang kanyang katawan, mananatiling buhay at gabay ang mga rebolusyonaryong ambag at aral na iniwan niya sa atin hanggang sa tagumpay!
Mabuhay ang masang Pilipino! Ibaling ang pamimighati sa rebolusyonaryong katapangan!"
Geronimo Dulongtimog [Wilfredo Gacosta], Mga Tula ng Isang Pulang Mandirigma. Lunsod Quezon, Disyembre 1976. Mimyo, wp
Friday, September 7, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)
